Saturday, November 2, 2019

Mga dahilan kong bakit madili tayong nagagalit. (mainitin ang ulo)

Sa blog na ito ay talakayin natin ang mga dahilan o sanhi ng pagiging mainitin ang ulo o sa English easily get angry or in short "anger".

Ano nga ba galit?

          Ang galit ay isa lamang likas na sanhi na dulot ng mga masasamang banta o pananakot sa atin. Kapag tayo ay nagagalit ang ating katawan ay naglalabas ng adrenaline (ang substance na ito ay nilalabas lamang ng ating katawan sa oras na tayo ay nakakaramdam ng pagkakasabik, gulat, takut at galit) ang mga kalamnan ay naghihigpit, bibilis ang pagtibuk ng puso, at tataas ang pressure ng dugo (blood pressure). Ang iyong pangramdam ay masyadong mabilis na kong saan ang iyong mukha at mga kamay ay nanginginig at namumula.

         Gayon pa man, ang galit ay maging problela lamang kapag hindi na pamahalaan sa isang maayos at mabuting paraan.

         Ang magalitin kahit sa mga kunting bagay lang ay kadalasang naging dahilan sa away kapag ang taong napaglagyan ng galit ay madali ring nagagalit, mahirap pigilan ang galit kapag medyo nadala kana nito. Para maiwasan ang away kailangan kuntrolin ang galit at wag pabayaang madala ka nito. Dito sa blog na ito talakayin natin ang mga dahilan at kong paano hawakan ang pagiging magalitin.

Mga Sanhi O mga Dahilan (causes)

• pagkawalan ng pasensiya: Kapag tayo ay nawawalan ng pasensiya, talagang namang iinit ang ulo natin.
•kapag hindi nabigyan ng bili ang mga magaganda nating nagawa: Mga bagay na pinaghirapan nating gawin para lang tayo ay mapansin at mapasaya ang iba ay hindi nila napapansin, ito rin ay nagdudulot ng galit.
•kawalan ng katarungan: may mga panahon na kailangan natin ng katarungan, at sa dahilang walang lalaban para sa atin ang siyang naging dahilan kong bakit tayo nagagalit, kasi tayo na mismo ang maghahanap nito para sa atin.
•mga hindi makakalimutang masasakit na pangyayari: kapag may nagpapaalala sayo sa mga masasakit na nakaraan yan din ay nag dudulot sa atin upang tayo ay magalit.
•mga pangsariling problema: mga problema na hindi na kinakaya ng ating isipan at nagiging sanhi rin pagiging magalitin.

Ano ang mga paraan upang mapigilan natin ang galit?

•kailangang kumalma: kailangan alisin muna sa isipan ang galit. isipin ang mga bagay na mangyayari kong hindi mo mapigilan ang galit. Wag muna tayong maglabas ng kilos kong hindi pa bumababa ang ating galit.
•ekspresyon: ito naman ang magdadala sayo iyong galit. Kailangan mong kuntrolin ang iyong ekspresyon na hindi ka dadalhin nito sa galit.
•pagpigil ng galit: ito naman ang pinakamahalaga sa lahat. Ang pagpigil sa galit ay ang isa sa pinakamahirap na gawin lalo na't nasa pagputok kana. Kaya gawin mo lahat ng paraan para mapigilan mo ang iyong galit.

Ang pagiging magalitin ba ay masama sa kalusogan?

      Hindi naman ito nakakasama sa kalusogan kapag nasa maayos at mabuting paraan mo ito pinapakita. Ayon sa mga eksperto sa paghahanap ng proweba tungkol sa galit, natuklasan nila na ang pagkimkim ng galit ay nagdudulot ng sakit sa puso, at pagbara ng mga ugat sa utak na nagbibigay ng pagkakaparalesa sa katawan at pagkakaroon ng ulsera o sugat sa manaknak. Meron ding mga pasusuri na ang galit kapag nalilabas mo huhupa ang sakit na iyong nararamdaman, kapag hindi naman daw nailalabas ang galit ang sakit na dindamdam ay gagrabi.

Kailan ka hihingi ng tulong tungkol sa mga eksperto pang kalusugan?

      Ang pagkuntrol ng galit ay isang mahirap bagay para matutunan kaagad. Kailangan munang tulong kapag ang galit mo ay hindi mo na talaga napipigilan, nakakagawa kana ng mga bagay na sa huli ay iyong pagsisisihan, at kong naging bayolinti kana sa iba o nakakasakit kana ng iba dahil sa galit mo.

Kong may maidagdag o pagbabago sa content ng post nato, kayo po ay mag comment at babaguhin o dadagdagan natin ang laman ng post nato para masmakatutulong po sa iba.